Delivery Helper

Quality Choices Corporation

  • Bulacan
  • Permanent
  • Full-time
  • 1 month ago
Ang Delivery Helper ay responsable sa pagtulong sa paghahatid ng mga produkto gaya ng karne at seafood mula sa warehouse papunta sa mga kliyente o tindahan.Kabilang sa trabaho ang pagbubuhat, pag-aayos ng kargamento, at pagtiyak na maayos, sariwa, at ligtas ang mga produkto habang nasa biyahe.
  • Tumulong sa pagkakarga at pagbaba ng mga produkto (karne at seafood) mula sa delivery truck.
  • Siguraduhing maayos ang pagkakaayos ng produkto upang maiwasan ang pagkasira o kontaminasyon.
  • Tumulong sa pag-check ng mga item base sa delivery receipt o invoice.
  • Panatilihing malinis at maayos ang delivery vehicle.
  • Magbigay ng magalang at propesyonal na serbisyo sa mga kliyente sa oras ng delivery.
  • Sumunod sa tamang food handling and safety guidelines lalo na sa frozen at refrigerated items.
  • Tumulong sa pagbabalik ng anumang item kung kinakailangan (returns).
  • Magsagawa ng iba pang kaugnay na tungkulin na iuutos ng supervisor o driver.

Bossjob